Confessions is a public art project that invites people to anonymously share their confessions and see the confessions of the people around them in the heart of the Las Vegas strip.

Sabe nila, kung kayo ang para sa isa’t isa, kayo talaga. Yun ang tinatawag sa destiny. Maraming naniniwala dun, marami na ring hindi. Pero kung iisipin mo, lahat ng bagay may rason eh. Nangyari sayo ang isang bagay para may matutunan ka. Nagkakilala kayo para maturuan mo siya at maturuan ka niya. Maaaring nagkakilala kayo sa tamang panahon pero hindi sa tamang oras. May ganun eh. Yung tipong single ka, taken siya. Tas nung taken ka na, naging single na siya. Pero alam niyo sa sarili niyo na may nararamdaman kayo para sa isa’t isa. Kaya dapat hindi pa rin mawalan ng pag-asa. Kasi kung sa future, magkikita kayo ulit at pareho na kayong walang minamahal, marahil yun na ang simula. Simula ng isang bagay na naudlot na sisimulan niyo ng tama. At kung pareho naman na kayong may mahal na, sa oras na magkita kayo muli, ibig sabihin lang nun na tama ang landas na tinahak niyo dahil mas nakilala niyo ang taong alam niyong mas magmamahal sayo ng tapat. Hayaan na lang na ang tadhana ang maghusga. Lahat tayo sa mundo, ginawa ng may kapareha. Maghintay ka lang. Huwag kang maghanap at kusang darating yan.
that is a sad number of reblogs